Planong demolisyon sa ilang kabahayan sa Kawit tinutulan

Kinondena ni Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla ang planong demolisyon sa ilang kabahayan sa Kawit, Cavite.

Nagpahayag ng pagtutol si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla sa isasagawang demolisyon sa ilang kabahayan ng nasa 100 pamilya sa Brgy. Congbalay at Brgy. Samala Marquez sa Kawit bunsod ng road widening.

Photos via Jolo Revilla/ Facebook

Ayon kay Revilla, sumangguni siya sa Department of Public Works and Highway (DPWH) para magsagawa ng alternatibong solusyon upang hindi maapektuhan ang mga kabahayan sa mga nasabing lugar.

“Kaninang umaga ay nagtungo tayo mismo sa Brgy. Samala Marquez upang banggitin sa ating mga kababayan na walang bahay ang madedemolish. Hindi na sila mapapaalis sa kanilang kinatitirikan, mananatili na sila doon dahil gagawin na ng DPWH ang alternatibong plano para sa road widening,” saad ni Revilla sa kaniyang Facebook post.

Dagdag pa niya, itatayo ang bagong Multipurpose Building at pagagandahin Brgy. Hall at covered court sa Samala Marquez.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek

Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.