PWD binugbog ng dalawang kabataan sa Imus City

Isang PWD ang pinagtulungang bugbugin ng dalawang kabataan sa Brgy. Malagasang 1G noong Marso 28 dahil sa umano’y pagnanakaw ng bracelet. Nakuhanan ng CCTV ang insidente. Naaresto ang isang suspek habang ang kasama nitong menor de edad ay nasa pangangalaga na ng DSWD. Mariing itinanggi ng ina ng biktima ang akusasyon.

Isang person with disability (PWD) ang binugbog ng dalawang kabataan sa Barangay Malagasang 1G matapos umanong mapagbintangang nagnakaw ng isang bracelet noong Marso 28.

Ayon sa kuha ng CCTV, bigla na lamang pinagtulungan ng dalawang kabataan ang biktima, na noo’y papunta lamang sa isang tindahan.

“Itinanggi ng anak ko ang paratang na nagnakaw siya, kasi hindi niya naman kilala ang mga ‘yon,” pahayag ng ina ng biktima habang humihingi ng hustisya para sa anak.

Sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoridad, lumitaw na pinagbintangan ng mga suspek ang PWD na kumuha umano ng bracelet, kaya nila ito pinagbalingan ng galit.

Agad namang naaresto ang isa sa mga suspek, habang ang isa pa, na menor de edad, ay dinala sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Total
0
Shares
Related Posts