Sining ng mga #KawitBulilit tampok sa isang art exhibit

Bida sa isang art exhibit ang mga sining na likha ng mga mag-aaral mula sa bayan ng Kawit.

Itinampok ng lokal na pamahalaan ng Kawit ang mga likhang-sining ng mga #KawitBulilit mula sa iba’t ibang barangay bilang paghihikayat sa kahalagahan ng paghubog ng kanilang kakayahan sa sining.

“Dito sa ating Kawit, pagdating sa pagandahan ng artworks and crafts, talagang nangunguna tayo sa pagkamalikhain mapa-bata man o mga young-at-heart. Gusto po natin na habang bata pa sila ay mahasa at matulungan natin ang ating mga #KawitBulilit na ma-express ang kanilang artistry at skills,” ayon kay Mayor Angelo Aguinaldo.

Pinangunahan ng Child Development Center ang naturang art exhibit katuwang ang ilang opisyal ng lokal na pamahalaan.

“Kaya ang mga ganitong art exhibit po na pinangungunahan ng ating mga Child Development Center ay napakalaking bagay at talagang sinusuportahan natin hindi lang para mabigyan sila ng tamang edukasyon kundi para mas mapadama rin natin ang ating #AlagangAngeloAguinaldo,” saad ng alkalde.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.