Idineklara ng pamahalaang lokal ng Cavite ang State of Calamity sa lungsod bunsod ng pinsalang idinulot ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Badjao, Dalahican noong Hulyo 14.
Matatandaang umabot sa higit 900 na pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunod, ayon kay Mayor Denver Chua.
Inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan na tumatanggap sila ng mga donasyon tulad ng mga canned goods, tubig, bigas, gamot, hygien kits, beddings, at iba pa para sa mga naapektuhan ng sunog.
“Bagamat halos walang natira sa mga kabahayan sa lugar na ito ay naniniwala ako na sa ating pag tutulungan ay muli silang makakabangon,” pahayag ni Chua.