Taal Volcano muling nakapagtala ng mahigit 11,000 tons na sulfur dioxide

Tumaas ang pagbuga ng volcanic sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal sa Batangas nitong Huwebes, Hunyo 6, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Tumaas ang pagbuga ng volcanic sulfur dioxide mula sa Bulkang Taal sa Batangas nitong Huwebes, Hunyo 6, ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Ayon sa ahensiya, nakapagtala ang bulkan ng 11,072 toneladang sulfur dioxide emission bawat araw mula sa Taal main crater.

Dagdag pa rito, posibleng humina ang hangin sa mga susunod na araw na maaaring magdulot ng pagbuo ng “vog” o volcanic smog sa mga kalapit na lugar ng Bulkang Taal.

Sa kasalukuyan, nananatili sa Alert Level 1 ang babala sa bulkan na nagpapahiwatig na ito ay nasa abnormal na kondisyon pa rin.

Para sa mga lugar na maaaring maapektuhan ng SO2 ng bulkan, narito ang mga kailangang gawin upang makaiwas dito:

  • Iwasan ang mga aktibidad sa labas, manatili sa loob ng bahay, at isara ang mga pinto at bintana upang mapigilan ang pagpasok ng volcanic gas sa tahanan.
  • Takpan ang ilong, mas mainam kung gamit ang N95 facemask. Uminom ng maraming tubig upang mabawasan ang anumang iritasyon o paninikip ng lalamunan.

Inaabishuhan rin ang mga lokal na pamahalaan na patuloy na subaybayan ang pagaalburoto ng bulkan at ang mga panganib na dulot nito.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

‘Senate proves flaw on PH democracy on Sara Duterte impeachment case’

The International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) Chairperson, Peter Murphy, has criticized the Philippine Senate's return of Vice President Sara Duterte's impeachment articles to the House, calling it a "blot on Philippine democracy." Murphy highlighted concerns over trial delays and potential cancellation, emphasizing the well-founded nature of the impeachment grounds, which include misuse of funds, unexplained wealth, and betrayal of public trust. He noted strong public and institutional support for the trial's continuation, urging the Senate to uphold its constitutional duty amidst protests. Murphy also called on the international community to uphold democratic standards and cease military aid to the Marcos Jr. administration, which he described as a "rogue state."
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.