Technician ng MERALCO patay sa pamamaril sa Dasmariñas; road rage tinitignan na motibo

Patay ang isang MERALCO technician matapos pagbabarilin habang nagmamaneho ng kanyang van sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite, nitong Miyerkules ng umaga, Agosto 27.

Ayon sa ulat ng Dasmariñas Police, galing sa District Office ang biktima at binabaybay ang Jose Abad Road nang sitahin at gitgitin ng isang pulang kotse. Sa kuha ng CCTV, makikita na nagkaroon ng saglit na usapan ang dalawang motorista bago pinaputukan ng suspek ang sasakyan ng biktima.

Naisugod pa sa ospital ang empleyado ngunit idineklara rin siyang patay kalaunan. Dalawang tama ng bala ang tumama sa van ng biktima habang isang basyo ng bala ang narekober sa pinangyarihan.

Sinabi ng Dasmariñas Police na posibleng road rage ang dahilan ng insidente. Mayroon na silang tinutukoy na person of interest na umano’y isang VIP bodyguard ng politiko sa lungsod.

Samantala, mariing kinondena ng MERALCO ang pamamaril at nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng kanilang empleyado na nakapagsilbi ng mahigit 21 taon sa kumpanya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Kawit LSB distributes laptops to aid learning amid pandemic

When COVID-19 halted any semblance of normalcy last March of 2020, Filipinos were distraught over the drastic change and danger they faced. Filipinos reeled from losing their jobs and businesses, and students nationwide struggled with their studies... Fortunately for the education sector of Kawit, the Local School Board, co-chaired by former Dist. Supv. Susan Aquino and Mayor Angelo Emilio Aguinaldo, managed to procure 11 digital duplicators to aid school works and activities amid the pandemic this January.
Read More

Inflation spikes to 8.7% in January 2023, highest in almost 15 years

The state statistics bureau reported on February 7 that inflation increased in the previous month, which was unexpected as the government had predicted a slowdown. The increase was mainly due to higher costs for water, electricity, and housing rental rates, as well as the continued rise in the prices of food, vegetables, and non-alcoholic beverages.