Turnover Ceremony ng Cavite City Medicare Mega Health Center idinaos

Nagkaroon ng turnover ceremony sa bagong tayong MedCare Mega Health Center nitong Biyernes, Marso 23.

Opisyal nang itinurnover ni Congressman Jolo Revilla at Secretary of Health Teodoro Herbosa ang Cavite City MeDCare Mega Health Center sa Barangay 28 (Sea Breeze) nitong Biyernes, Marso 23.

May 100 bed capacity ito, kasama ang pharmacy at emergency facility, na tutugon sa pangangailangan pangkalusugan ng mga Caviteño.

Kasalukuyang inaayos ang license to operate ng health center para agarang makapagpapagamot na ang mga residente ng Cavite rito.

“Ang nalalapit na pagbubukas sa publiko ng Mega Heath Center na ito ay katuparan po ng ating pangako noong panahon ng kampanya na magkaroon ng bagong pampublikong ospital ang ating distrito na magpapabuti sa kalidad ng serbisyong publiko at tutugon sa mga pangangailangang medikal ng ating mga kababayan,” saad ni Cong. Jolo Revilla sa kanyang Facebook post.

“Asahan ninyo pong patuloy nating pagsusumikapang lumikha pa ng mga programa at proyekto na inyong mapakikinabangan, dahil basta Alagang Revilla ay ramdam na ramdam ng bawat isa sa ating distrito,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…