Vlogger na may kasong rape arestado sa Gen Tri

Arestado ang isang sikat na vlogger mula sa General Trias, Cavite dahil sa panggagahasa umano nito sa kaniyang kaibigan.

Arestado ang isang sikat na vlogger mula sa General Trias, Cavite dahil sa panggagahasa umano nito sa kaniyang kaibigan.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Gian Enrico Navarro ng Tagaytay RTC Brance 133, nahuli ng General Trias Police ang Regional Most Wanted Person na si Daniel Butas Tambulogan o mas kilala sa pangalan na Khifer Brosse.

Kusa namang sumama si Tambulogan sa mga awtoridad matapos itong maaresto sa man-hunt operation noong Enero 4.

Ayon sa panayam ng media sa mga pulis, inireport ng 20-taong gulang na biktima na apat na beses umano itong ginahasa ng suspek, Hulyo noong nakaraang taon.

Pansamantalang nasa kustodiya ng mga police si Tambulogan na nahaharap sa kasong rape.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.