VP-elect Duterte-Carpio naghahanda na para sa transition talks

Kasunod ng proklamasyon ng Kongreso, naghahanda na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio para sa inaasahang pulong kasama ang kaniyang papalitang si Vice President Leni Robredo.

Kasunod ng proklamasyon ng Kongreso, naghahanda na si Vice President-elect Sara Duterte-Carpio para sa inaasahang pulong kasama ang kaniyang papalitang si Vice President Leni Robredo.

Nitong Huwebes, sinabi ni Duterte-Carpio na tatapusin muna ng kaniyang kampo ang transition para sa Office of the Vice President bago ang kaniyang inagurasyon.

“We are set to release a letter today [May 26] or tomorrow to Vice President Leni Robredo signed by me requesting for an initial meeting,” wika ni Duterte-Carpio.

Ayon naman kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, inihahanda na rin nila ang mga kinakailangan para sa magaganap na turnover.

Samantala, tuloy ang balak na inagurasyon ni Duterte-Carpio sa Davao City sa Hunyo 19, ngunit hindi pa rin malinaw kung saan siya mag-oopisina.

Nauna na ring naanunsyo na magsisilbing kalihim ng Department of Education si Duterte-Carpio sa ilalim ng administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ani Duterte-Carpio, makikipag-usap pa siya kay Marcos Jr. kung aling programa sa edukasyon ang nais nitong gawin o ipagpatuloy, at handa umano naman siyang makipagtulungan sa mga kinauukulan – kaalyado man o hindi.

Thumbnail photo from Mayor Inday Sara Duterte FB page

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

COMELEC sinimulan na ang deployment ng counting machines para sa Halalan 2025

Nagsimula nang i-deploy ng COMELEC ang mga Automated Counting Machine (ACM) para sa May 12, 2025 midterm elections, na may paunang 3,700 units na ipinadala sa Mindanao. Target makumpleto ang deployment ng kabuuang 110,000 ACMs bago ang final testing and sealing. Kasalukuyang sinusuri ang mga makina, at naghahanda rin ang ahensya ng sapat na technical support at 110 repair hubs para sa araw ng halalan.