Yulo wagi sa floor exercise event sa Doha

Nagpakitang gilas si Filipino pride Carlos Edriel Yulo matapos makakuha ng gintong medalya sa ginagap na 15th Artistic Gymnastic World Cup noong Marso 3.

Muling pinatunayan ni “Golden Boy” Carlos Edriel Yulo ang kanyang tikas at liksi matapos umiskor ng 14.833 puntos sa men’s floor exercise sa ginanap na 15th FIG Artistic Gynmnastics World Cup sa Doha, Qatar noong Marso 3.

Photos via FIG /Twitter

Pinabilib ni Yulo ang mga manunuod sa kanyang makapigil-hiningang triple full side pass, at closed with a 3.5 twist execution upang paburan ng judge at solohin ang gintong medalya ng torneyo.

Nanatili sa ikalwang pwesto ang two-time floor exercise gold medalist Kazuki Minami ng Japan sa iskor na 14.200 at nasa ikatlong pwesto naman si Luke Whitehouse ng Germany na may 13.966 kartada.

Matatandaang hindi nakapasok sa championship round si Yulo sa floor exercise event at tanging ang parallel bars lamang ang kanyang nakuha nang manatili sa ikatlong pwesto na may 15.166 puntos sa 2023 World Appratus Cup sa Cottbus Germany noong nakaraang linggo.

Aabante rin si Yulo sa championship round ng vault at parallel bars events.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cenomar at Cenodeath certificate maari nang iview online

Inilunsad ng PSA ang online viewing service para sa birth, marriage, death, CENOMAR, at CENODEATH certificates. Kailangang mag-apply sa PSA Serbilis at magbayad sa CRS outlet (P130-P185). Viewing copy lang ang makikita online, at ang printed copy ay maaaring ipa-deliver o kunin sa pamamagitan ng DocPrint service. Inaasahang mapapabilis nito ang transaksyon ng publiko, lalo na ng mga estudyante.