2 lalaki nalunod, 1 babae sinaksak sa Cavite

Dead on arrival ang dalawang lalaki matapos malunod sa Tanza, habang isang babae ang sugatan matapos masaksak habang naglalakad sa Dasmariñas, Cavite.

Patay ang dalawang lalaki matapos malunod habang lasing sa Tanza, Cavite, at isang babae naman mula sa Dasmariñas ang nagtamo ng mga saksak mula sa isang lalaking kanyang nakasalubong.

Ayon sa ulat ng Region 4A police, sina Danilo Barquio, 50-anyos; Henry Barquio, 55-anyos; at Jemboy Perez, 25-anyos, na pawang mga residente ng Muntinlupa City, ay naligo nang lasing sa isang beach sa Barangay Capipisa. 

Tinangay sila ng malakas na agos sa malalim na parte ng dagat na naging sanhi ng pagkamatay nina Danilo at Henry, habang si Perez ay nagpapagaling pa sa ospital.

Samantala, sa hiwalay na insidente, isang babae ang pinagsasaksak ng isang lalaking kanyang nakasalubong. 

Nagtamo ng sugat ang babae na sana ay maghahatid lamang ng kanyang tinahing school uniform.

Batay sa ulat ng Unang Balita, makikita sa CCTV footage na ang 51-anyos na babae ay nasa Aguinaldo Highway nang masalubong niya ang hindi kilalang lalaki at bigla na lamang siyang pinagsasaksak. Nakayanan pa niyang makabangon at makahingi ng tulong, habang naharang naman ng traffic enforcer ang lalaki.

Ang biktima ay nagpapagaling na sa ospital, habang ang suspek ay nahaharap sa kasong inihahanda ng biktima.

Screengrab: Unang Balita/

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Pagkilala sa mga alkalde at kanilang nagawa sa Cavite

Habang papalapit ang Halalan 2025, mahalagang muling suriin ang mga nagawa ng mga lider ng iba't ibang lungsod at munisipalidad sa Cavite. Kabilang dito ang kanilang mga kontribusyon sa imprastraktura, pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, at pagsuporta sa sektor ng edukasyon—mga proyekto at programang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa kaunlaran ng kanilang mga komunidad.
Read More

Lolong ninakawan ang sarili, nahuli cam

Kasakote ngayon ang isang 62-anyos na lolo matapos mahuli sa CCTV at napag-alaman sa masusing imbestigasyon na siya mismo ang suspek na nagnakaw sa ini-report niyang pagnanakaw sa kanyang bahay sa Brgy. Poblacion 3, Silang, Cavite.