2 Navy nasawi sa helicopter crash sa Cavite City

Nasawi ang piloto at ang isang co-pilot nito matapos bumagsak ang isang training helicopter ng Philippine Navy sa isang reclamation area sa Cavite City nitong Huwebes ng umaga.

Nasawi ang piloto at ang isang co-pilot nito matapos bumagsak ang isang training helicopter ng Philippine Navy sa isang reclamation area sa Cavite City nitong Huwebes ng umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson Colonel Francel Margareth Padilla, nagsasagawa ng training fight ang dalawang Navy aviators.

Naisugod pa sa ospital ang naturang Navy, na isang babae at isang lalaki na nakatalaga sa Naval Air Wing Sangley Point sa Cavite City, ngunit kalaunan ay binawian din ng buhay dahil sa malubhang natamong sugat sa nangyaring aksidente. 

“Philippine Navy aircrafts undergo regular inspection and maintenance to ensure airworthiness. Nevertheless, no stone will be left unturned as we endeavor to prevent this kind of accident from happening again,” saad ni Padilla.

“We are withholding the names of the two Navy pilots while we inform their families. Our thoughts and prayers go out to the bereaved loved ones. All necessary support will be extended to them,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

SEC, sinusuri ang trilyong piso halaga ng Villar Land

Nagsimula ang SEC ng imbestigasyon sa Villar Land Holdings Corp. matapos itong umabot sa P1 trilyon ang halaga. Siniyasat ng ahensiya ang mga transaksyon ng kumpanya para matiyak na walang insider trading, market manipulation, o anumang iregularidad. Ayon kay SEC Chairperson Francis Lim, layunin ng hakbang na mapanatili ang integridad ng pamumuhunan at tiwala ng publiko.