24th Bagong Pilipinas Serbisyo Fair umarangkada sa Cavite

Dinadagsa ng mga Caviteño ang naganap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite kahapon, Setyembre 27.

Photo Credit: BPSF / Facebook

Dinadagsa ng mga Caviteño ang naganap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Aguinaldo Shrine, Kawit, Cavite kahapon, Setyembre 27.

Dinaluhan ito ni House Speaker Martin Romualdez at 200 miyembro ng House of Representatives upang maki-isa sa service caravan na ginanap sa Emillio Aguinaldo Elementary School. 

Umabot sa 120,000 na indibidwal ang nakatanggap ng benepisyo sa dalawang araw na BPSF. Bukod dito, 225,00 na kilo ng bigas ang naipamahagi sa mga mamamayan.

“Ikinagagalak ko na ang mga programang ito ay patuloy na umuunlad at patuloy na nagbibigay ng kinakailangang tulong sa ating mga mamamayan na hindi kasama sa mga umiiral na programa ng social amelioration tulad ng 4P” saad ni Romualdez. 

Sa pabubukas ng ikadalawampu’t apat na edisyon ng BPSF Cavite, mahigit 10,500 na mga Caviteño ang natulungan ng ayuda sa Kapos ang kita Program o AKAP 10,000 sa ilalim ng Start-up, Investments, Business Opportunity and Livelihood Program o SIBOL; 10,000 din para sa Cash Assistance and Rice Distribution Program o CARD; at 5,000 mga kabataan naman sa Integrated Scholarship and Incentives Program o ISIP. 

“Ang mga programang ito ay sumasalamin sa aming dedikasyon na tiyaking walang Pilipino ang mapag-iiwanan. Maging sa edukasyon, pinansyal na tulong, o pagnenegosyo, kami ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa paglago,” dagdag pa ni Romualdez.

Total
0
Shares
Related Posts