Wish Ko Lang Tree sa BJMP Naic kinagiliwan online

Maraming puso ang naantig matapos ibahagi ng isang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology ng Naic sa kaniyang Facebook post ang Wish Ko Lang Christmas tree ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob nito. 

Maraming puso ang naantig matapos ibahagi ng isang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology ng Naic sa kaniyang Facebook post ang Wish Ko Lang Christmas tree ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa loob nito. 

Photo courtesy by Bryan Villaester

Ilan sa mga ito ay toothbrush, toothpaste, isang box ng donut, sliced bread, palaman, tsinelas, at salamin sa mata. 

Photo courtesy by Bryan Villaester

Ayon kay Bryan Villaester, ipinost umano niya ito sa pagbabakasakaling may magandang pusong magbigay katuparan sa kanilang simpleng Christmas wish. 

“These are some of the wishes ng ating mga kapatid sa bilangguan. Feel free to grant them. Share your blessings in this season of giving,” ani ni Villaester sa kaniyang Facebook post. 

Dagdag pa niya, nagmula umano ang konseptong ito sa palabas ng GMA Network na “Wish Ko Lang.” Mismo rin umanong mga inmates ang gumawa ng nasabing Christmas tree kung saan nakasabit ang makukulay na sticky notes laman ang kanilang mga hiling sa araw ng Pasko. 

“Some people may choose material things, while others prefer tangible ones such as love, peace, and good health among others,” wika ni Villaester

“No matter what these people wish for this holiday season, what matters most is that they still have desires and hopes in their hearts.” 

Sa mga nagnanais makapagbigay ng regalo sa Wish Ko Lang project, maaaring tawagan si Bryan Villaester sa numerong (+63) 9190093831 o direktang magpadala ng regalo at donasyon sa BJMP Naic Municipal Jail sa Bronze Ville 2, Brgy, Halang, Naic Cavite. 

Samantala, nagkaroon din ng programang Sponsor-a-release program ang BJMP Naic matapos magviral ang naturang post. 

Layunin naman ng proyektong ito na tulungang ang mga deserving at qualified PDLs na makalaya sa bilangguan. 

Sa Facebook post ng Naic BJMP, maaari umanong bumili ang sinuman ng livelihood products na gawa mismo ng mga inmates tulad ng paintings, furnitures, metal wall decors, at wood sculptures. 

Sa mga nais bumili, maaaring kontakin ang numerong +(63) 919 0093 831 o mag-email sa rivanaicmj2@gmail.com

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lisensiya ng bus driver sinuspende dahil sa online sugal habang MERALCO, kumite ng P25.5B sa unang kalahati ng 2025

Tumaas ng 10% ang kita ng Meralco sa unang kalahati ng 2025, na umabot sa P25.5 bilyon. Dahil ito sa matatag na kita mula sa power generation at retail electricity. Kumpiyansa si Chairman Manuel Pangilinan na aabot sa P50 bilyon ang core net income sa pagtatapos ng taon. Patuloy din ang pagpapalawak ng kumpanya, kabilang ang pagtatayo ng Atimonan Energy Power Plant at battery energy storage systems sa Cebu.
Read More

3 Tsino na sangkot sa droga at human trafficking nahuli sa Cavite

Naaresto sa General Trias, Cavite ang tatlong Chinese nationals sa isang joint operation ng BI at PDEA. Nahulihan ang mga suspek ng shabu at drug paraphernalia, at napag-alaman din na sila ay mga overstaying aliens. Nahaharap sila sa iba't ibang kaso, kabilang ang paglabag sa immigration laws at illegal drugs. Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy ang iba pang sangkot sa krimen.