Second most wanted sa Cavite, arestado

Nadakip ng pulisya ang ikalawa sa most wanted person sa Cavite noong Abril 16 sa Barangay 61A, Cavite City.

Nasakote ang second most wanted person ng Cavite sa isinagawang monitoring at surveillance ng mga operatiba sa Cavite City.

Photo via Cavite Police Provincial Office

Base sa ulat ni PLTCOL Jerry B Corpuz, acting chief of police ng Cavite City Police Station, kinilala ang suspek na si Edgardo Camanag, 57, residente ng Cavite City.

“Camanag was arrested by virtue of a Warrant of Arrest for Violation Of Sec. 5 Art II Of RA 9165 under Criminal Case Number 965-17 issued by RTC Branch 16, Cavite City with no bail recommended,” paliwanag ng PNP.

“I commend the unwavering effort of our police operatives to hunt down people with an existing warrant of arrest. We will intensify our campaign against the wanted person to make sure that they will face the charges filed against them in court,” pahayag ni Cavite Provincial Director PCol Christopher Olazo.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

MPOX Cases sa Davao City, lumilitaw na konektado sa HIV

Inihayag ng SPMC sa Davao City na 11 sa 14 na kaso ng Mpox sa kanilang ospital ay positibo rin sa HIV, posibleng dahil sa high-risk sexual behavior. Ipinaliwanag na ang Mpox ay naihahawa sa pamamagitan ng skin-to-skin contact at intimate contact. Hinihikayat ng SPMC ang agarang pagkonsulta kapag nakaranas ng sintomas. Samantala, tumaas ng 500% ang kaso ng HIV sa Pilipinas, na may 57 bagong kaso kada araw.