Bilang ng nalunod noong Semana Santa umabot na sa 72 — PNP

Inihayag ng Philippine National Police na tumaas ang bilang ng mga nalunod nitong nakalipas na Semana Santa.

Umabot na sa 72 katao ang naiulat na nasawi dahil sa pagkalunod nitong nagdaang Semana Santa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Photo via Canva

Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo sa Laging Handa briefing, kabilang sa mga may matataas na bilang ng mga namatay ay ang rehiyon ng CALABARZON na may 19, habang 14 naman sa Region I, at 10 Region II.

Kabilang dito ang mga menor de edad na may 23 na nasawi at 3 senior citizen.

Bukod sa mga naiulat na mga nalunod, sinabi naman ni Office of the Civil Defense (OCD) spokesperson Raffy Alejandro na naitala rin nitong nakalipas na Semana Santa ang mga aksidente sa kalsada at sunog.

“So far, we monitored karamihan dito ‘yung drowning, vehicular accidents, at ‘yung sunog. So, ito ‘yung tatlong pinakamarami tayong na-monitor but ongoing pa po ang pagkuha natin ng mga numero,” pahayag ni Alejandro sa isang panayam sa Laging Handa briefing.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pagtaas ng pamasahe sa LRT-1 kailangan para sa Cavite extension ayon sa DOTR

Ipinatutupad na ang taas-pasahe sa LRT-1 simula Abril 2, 2025, kung saan P20 na ang minimum at P55 ang maximum na pamasahe. Ayon sa DOTr at LRMC, kailangan ito para sa operasyon, pagpapatuloy ng Cavite extension, at pag-iwas sa inaasahang bilyon-bilyong pisong fare deficit. Tinututulan naman ito ng ilang commuter groups dahil dagdag-pasanin umano ito sa mga mananakay.