Orange and Lemons pinakilig ang mga Kawiteño sa isang free Valentine’s concert

Nagkaroon ng free Valentine’s concert ang bandang Orange and Lemons sa Kawit, Cavite matapos tugtugin ang “Heaven Knows” at “Hanggang Kailan.”

Pinakilig ng OPM Rock Band na Orange ang Lemons ang mga Kawiteño sa isang handog na post-Valentine celebration ng lokal na pamahalaan ng Kawit.

Matapos nito, nagpasalamat naman ang naturang banda sa mga dumalo sa concert.

“Salamat Kawiteños! Ang saya nun,” pahayag ng nasabing banda.

Bukod pa rito nakisaya rin sa “Love It, Kawit: Valentine Concert” ang mga bandang Project Romeo at Tothapi.

“Sana ay kinilig kayo sa handog naming concert para sa inyo! Maraming salamat sa Project: Romeo, Tothapi , at  Orange & Lemons na nangharana sa ating mga kababayan sa ating Love It, Kawit: Valentine Concert,” pahayag ni Mayor Angelo Aguinaldo sa mga Kawiteño.

“Higit sa lahat, maraming salamat sa mga kababayan natin at sa iba pa na galing sa iba’t-ibang bayan na nakisaya sa atin,” dagdag pa niya.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…