Gov. Athena Tolentino nanawagan ng hustisya sa pagkamatay ni Denajiba sa Naic, Cavite

Mariing kinondena ni Cavite Governor Athena Tolentino ang pagpatay kay Shackie L. Denajiba, election leader ni Mayor-elect Rommel Magbitang sa Naic. Nanawagan ang Gobernador ng agarang aksyon mula sa PNP para sa hustisya at upang pigilan ang karahasan sa lalawigan, at hinikayat ang lahat na magkaisa para sa kapayapaan at seguridad ng Cavite.

Naglabas ng pahayag si Cavite Governor Athena Tolentino kaugnay sa malagim na pagpaslang kay Shackie L. Denajiba, election leader ni Mayor-elect Rommel Magbitang, na binaril sa Barangay Sabang, Naic noong Sabado, Mayo 24.

Mariing kinondena ni Gobernador Tolentino ang karumal-dumal na krimen at nanawagan ng agarang aksyon mula sa Philippine National Police (PNP) upang matiyak ang katarungan para kay Denajiba at mapigilan ang patuloy na karahasan sa lalawigan ng Cavite.

“Panahon na upang magkaisa, hindi upang maghasik ng takot at karahasan,” ani Tolentino. Ayon sa kanya, ang mga mamamayan ng Cavite ay nararapat lamang na makaramdam ng seguridad at kapanatagan. Hindi aniya sapat ang simpleng pag-uulat sa mga insidente—ang kinakailangan ay konkretong proteksyon, mabilis na aksyon, at tunay na hustisya.

Bukod dito, hinikayat ng gobernador ang lahat ng halal na opisyal, kawani ng pamahalaan, at mga mamamayan na magbuklod upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa buong lalawigan. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa lalo na matapos ang halalan.

Tinutuligsa ni Gobernador Tolentino ang mga nasa likod ng krimen at iginiit na walang puwang ang karahasan sa Cavite. Sa kanyang panawagan, sinabi niya: “Let us all work together, in unity, to keep the Province of Cavite PEACEFUL, SAFE, AND WORTH LIVING FOR.”

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Pilipinas nangunguna sa mundo sa mabilis na pagtaas ng kaso ng HIV ayon sa DOH

Kinumpirma ng DOH na ang Pilipinas ang may pinakamabilis na pagtaas ng kaso ng HIV sa mundo, na may 57 bagong kaso araw-araw, karamihan ay mga kabataan. Dahil dito, inirekomenda ng DOH na ideklara ang HIV bilang national public health emergency. Gayunpaman, nilinaw ng ahensiya na may available na lunas sa pamamagitan ng ART kung maaagapan, at hinihikayat ang publiko na magpasuri at magkaroon ng tamang kaalaman.