Aklalde ng Noveleta namigay ng negosyo package

Patuloy na namimigay ng negosyo package si Noveleta Mayor Dino Chua sa mga residente ng bayan sa gitna ng pandemya.

Patuloy na namimigay ng negosyo package si Noveleta Mayor Dino Chua sa mga residente ng bayan sa gitna ng pandemya. 

Ang proyektong ito ay sa ilalim ng Department of Trade and Industry (DTI) Tulong Puhunan program na naglalayong magbigay ng negosyo package sa mga sari-sari stores, fishball vendors at carinderia owners sa Noveleta. 

“Malaking tulong po ito para makabangon sila ngayon panahon ng pandemya! Tuloy-tuloy ang Unlad Noveleta! Makakabangon din po tayo,” ani Chua sa kanyang Facebook post. 

Bukod sa mga negosyo package, namigay din ang alkalde ng libreng grocery packs sa mga residente.

Sa tulong ng mga baranggay officials, walang patid ding nagdadala ang lokal na pamahalaan ng Noveleta ng pagkain at grocery packs para sa pasyenteng naka-quarantine. 

“Maraming salamat po sa ating Barangay Frontliners na laging handang makipaglaban sa hamon ng pandemiya! Saludo po kami sa inyong kabayanihan,” dagdag pa ng alkalde. 

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

DOH, suportado ang 30 KPH speed limit sa mga lungsod para iwas aksidente

Suportado ng DOH ang pagpapatupad ng 30 kph speed limit sa mga urban road upang mabawasan ang aksidente sa kalsada, na pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga kabataang Pilipino. Binanggit ni Secretary Teodoro Herbosa na epektibo ito sa ibang bansa at sa Commonwealth Avenue, at iginiit na 70% ng aksidente ay sangkot ang motorsiklo. Ang aksidente sa kalsada ay ikalima na sa pangunahing sanhi ng kamatayan sa Pilipinas.