Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba’t ibang aspeto ng serbisyo.

Inilabas ang listahan ng mga nangungunang alkalde sa buong lalawigan ng Cavite para sa buwan ng Abril, batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI).

Nanguna sa talaan si Mayor Randy Salamat ng Alfonso, na nakakuha ng 94% na rating mula sa kanyang mga nasasakupan. Ilan sa mga pangunahing proyekto niyang ipinatupad ay ang pagpapalawak ng serbisyong medikal, suporta sa sektor ng agrikultura, at pagpapaganda ng imprastruktura sa bayan ng Alfonso.

Pumangalawa si Mayor Lawrence Arca ng Maragondon na may 92%, habang nasa ikatlong puwesto si Mayor Dino Chua ng Noveleta na nakakuha ng 91%. Kasunod din sa ikaapat na pwesto si Mayor Angelo G. Aguinaldo ng Kawit na may 90%.

Narito ang kumpletong listahan ng mga alkalde na kabilang sa top performing mayors ng Cavite para sa buwan ng Abril:

  1. Mayor Randy Salamat – Alfonso (94%)
  2. Mayor Lawrence Arca – Maragondon (92%)
  3. Mayor Dino Chua – Noveleta (91%)
  4. Mayor Angelo Aguinaldo – Kawit (90%)
  5. Mayor Voltaire Ricafrente – Rosario (89%)
  6. Mayor Jasmin Maligaya – Magallanes (86%)
  7. Mayor Raffy Dualan – Naic (83%)
  8. Mayor Dennis Glean – General Emilio Aguinaldo (83%)
  9. Mayor Yuri Pacumio – Tanza (81%)
  10. Mayor Cocoy Mendoza Mendez-Nuñez – Mendez (81%)
  11. Mayor Redel Dionisio – Amadeo (81%)
  12. Mayor Ted Carranza – Silang (80%)
  13. Mayor Maricel Torres – General Mariano Alvarez (80%)
  14. Mayor Pecto Fidel – Indang (80%)
  15. Mayor Lamberto Bambao – Ternate (80%)

Ang isinagawang survey ay naglalayong sukatin ang antas ng kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng bawat alkalde, batay sa mahahalagang aspeto tulad ng serbisyong pampubliko, kalinisan, kaayusan, edukasyon, kalusugan, at kabuhayan.

Ayon sa ORPI, ang kanilang pagsusuri ay naglalayong magsilbing gabay para sa publiko at mga opisyal ng pamahalaan upang mapanatili at higit pang mapahusay ang mahusay na pamamahala.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PCG ship repair facility sa Cavite City pinasinayaan

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang blessing at turn-over ceremony ng bagong tayong Maintenance and Repair Group Workshop Facility mula US Government at Headquarters Coast Guard Maritime Safety Services Command (MSSC) noong ika-9 ng Mayo.
Read More

House OKs cityhood of Carmona

Carmona is on the verge of becoming a city after the House of Representatives on its third and final reading approved a bill to make the town one of Cavite's component cities.