Higit 3,000 frontline workers nabakunahan na sa Bacoor

Patuloy ang pagbabakuna sa mga frontline workers kung saan higit 3,000 na ang nabakunahan sa lungsod ng Bacoor.
Higit 3,000 na ang nabakunahan ng first dose ng COVID-19 vaccine.

BACOOR CITY – Nabakunahan na ang 3,077 frontline workers kontra COVID-19 sa lungsod ng Bacoor noong Marso 27.

Sa isang Facebook post ng City Government of Bacoor, sinabi nito na kabilang sa mga nabakunahan na ay ang mga healthcare workers na nagtatrabaho sa mga pampribadong klinika, social workers, contact tracers, jail officers at personnel at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTS).  

Inaasahan naman sa Martes, Marso 30, na magsisimula na pagbabakuna sa mga senior citizen sa naturang lungsod.

Dagdag pa rito, inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan ng Bacoor na makipag-ugnayan sa mga barangay para sa pagrerehistro online gamit ang Barangay E-Governance and Information Network (BEGIN).

Ang BEGIN ay isang digital na sistema ng mga barangay na inilunsad ng naturang pamahalaang lungsod sa pangunguna ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla noong Marso 3 para sa mga nais magpabakuna kontra COVID-19.

Bukod pa rito, magagamit din ang BEGIN sa mga operasyong pangkalamidad, pagpapatupad ng National ID system at iba pang serbisyo para mga Bacooreño.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Tatay Cardong Trumpo ng Cavite, Grand winner sa PGT Season 7

Si Tatay Cardong Trumpo, isang 55-anyos na construction worker mula Dasmariñas, Cavite, ang itinanghal na Grand Winner ng Pilipinas Got Talent Season 7. Nakamit niya ang ₱2 milyon matapos makakuha ng 99.5% ng boto para sa kanyang kakaibang trumpo tricks. Naantig ang publiko sa kanyang kwento at talento, na umabot sa mahigit 22 milyong views ang kanyang audition video.