Mayor Emmanuel Maliksi, nagpositibo sa COVID-19

Nagpositibo sa COVID-19 si Imus City Mayor Emmanuel Maliksi at kasalukuyang naka-confine sa South Imus Specialist Hospital.

“Sa kabila ng ating labis na pag-iingat habang nagseserbisyo sa ating mga kababayan, ikinalulungkot ko pong ibalita na ang inyong lingkod ay positibo sa COVID-19,” wika ni Maliksi sa kaniyang Facebook post.

Samantala, patuloy pa rin umanong bukas ang serbisyo para sa mga Imuseno sa kabila nito.

“Pagtutulungan at pananalangin ng kagalingan at maayos na kalusugan ang tanging hiling natin para sa lahat. Babangon tayo at sama-sama nating malalgpasan ito.” dagdag pa ng alkade.

Pinakamataas din ang Imus City sa average daily attack rate (ADAR) sa lalawigan ng Cavite, ayon sa weekly report ng OCTA research.

Basahin: Cavite LGUs put under high, critical risk for COVID-19

Punuan din umano ang mga ospital at malapit nang maabot ng St. Dyphna Mega Isolation Facility ang full-capacity rate nito.

Larawan mula sa PIA Cavite Facebook Page

Pinaaalalahanan ng alkalde ang lahat na mag-doble ingat at sumunod sa mga health and safety protocols.

“Walang patid ang ating pagsisikap na hindi mapilay ang ating mga serbisyong pangkalusugan at kabuuang COVID-19 response, nang sa gayon ay maging tuloy-tuloy ang ating laban kontra Delta variant.” pahayag ni Maliksi.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Cavite mayors, nanguna sa Abril 2025 Job Performance Rating ng ORPI

Batay sa pinakahuling Job Performance Rating ng One Research Philippines Inc. (ORPI), nanguna si Mayor Randy Salamat ng Alfonso bilang top performing municipal mayor sa Cavite para sa Abril, na may 94% na rating. Sinundan siya ni Mayor Lawrence Arca ng Maragondon (92%) at Mayor Dino Chua ng Noveleta (91%). Ang survey ay sumukat sa kasiyahan at tiwala ng publiko sa pamumuno ng mga alkalde sa iba't ibang aspeto ng serbisyo.