P150,000 halaga ng ilegal na paputok winasak sa Cavite

Mahigit kumulang P150,000 halaga ng mga ilegal na paputok at iba pang pyrotechnic device ang kinumpiska at winasak ng Cavite Police at Bureau of Fire Protection (BFP) bego mag Bagong Taon.

Mahigit kumulang P150,000 halaga ng mga ilegal na paputok at iba pang pyrotechnic device ang kinumpiska at winasak ng Cavite Police at Bureau of Fire Protection (BFP) bego mag Bagong Taon.

Photo courtesy by CAVITE PIO

Ito ay kabilang sa mas pinaigting na Three-Day Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations ng Cavite Police mula Disyembre 29-31, 2021.

Sa tala ng CPPO, nangunguna ang Cavite City sa lugar na may pinakamaraming nakuhanan ng paputok, kasunod ang mga lungsod ng Bacoor at Imus.

Kabilang sa mga nasabat ang mga ipinagbabawal na paputok tulad ng piccolo, luces, glowing fire, kwitis, sawa, sinturon ni Judas, five star, pop-up, baby rocket, at fountains.

Pinangunahan naman ni Cavite Police Provincial Director PCOL Arnold Abad ang hosing down at water submersion ng mga ito upang masiguro ang kaligtasan sa proper disposal.

Ayon pa sa kaniya, ang kampanya laban sa pagbebenta ng ilegal na paputok ay isa sa mga programang isinusulong ng PNP taon-taon at kailangan itong panatilihin para sa kaligtasan ng publiko.

Pinaalalahanan din niya maging ang kapulisan na huwag gumamit ng firearms para sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa bagong taon.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Rep. Jolo Revilla nanawagan ng agarang pagpasa ng mga panukala laban sa kawalan ng trabaho 

Nanawagan si Cavite Rep. Jolo Revilla sa Kongreso na apurahin ang mga panukalang batas para sa trabaho dahil sa 2.27 milyong unemployed Filipinos noong Hulyo. Kabilang sa kanyang isinusulong ang HB 2985, na magpapapermanente sa TUPAD Program ng DOLE, at ang HB 481 o ang Barangay Skilled Workers Registry, na lilikha ng database para sa mas mabilis na job matching.