Sim kailangang rehistrado para patuloy magamit ang mga banking apps

Hinikayat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na magparehistro na ng kanilang mga sim cards upang patuloy na ma-aaccess ang kanilang mobile banking apps at e-wallets.

Hinimok ng BSP ang publiko na magparehistro na ng sim cards bago ang deadline nito sa Abril 26 upang patuloy na magamit ang mga mobile banking apps at e-wallets.

Photo via Canva

“Sa rehistradong cellphone number ipinapadala ng mga bangko at e-money issuer ang one-time password (OTP) at mga kaukulang advisory o alerto para sa mas ligtas na financial transactions,” dagdag pa ng BSP.

Ayon naman sa Department of Information and Communications Technology (DICT), maaaring ma-deactivate ang mga sim card at magdulot ng abala sa pakikipag-komunikasyon at iba pang mobile application na nangangailangan ng one-time pin (OTP).

“Huwag hintayin ang huling araw. Pumunta lamang sa mga opisyal na link ng SIM Registration Portal o i-scan ang QR code sa ibaba. Sa loob lamang ng ilang minuto ay mairerehistro na kayo,” pahayag ng DICT sa kanilang Facebook post.

Narito ang mga official links kung saan maaaring makapagrehistro ng mga sim card mula sa mga telecommunications company sa bansa:

Smart, TNT at Sun Subscribers:

https://smart.com.ph/simreg

Globe, TM at GOMO Subscribers:

https://new.globe.com.ph/simreg

DITO subscribers:

https://dito.ph/RegisterDITO

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.