Naghatid ng tulong sa pamamagitan ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga mangingisda ang ilang opisyal sa lokal na pamahalaan ng Cavite at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kabilang dito sina Kawit Mayor Angelo Aguinaldo 1st District Rep. Jolo Revilla, Cavite Gov. Jonvic Remulla, at Sen. Ramon Bong Revilla.
“Ngayong araw, mga mangingisda naman ang naabot ng tulong sa pamamagitan ng AKAP. Nananatiling apektado ang kanilang hanapbuhay dahil sa nangyaring oil spill sa Manila Bay kaya naman siniguro nating maabot sila ng tulong. Muli, maraming salamat, sa ating pagkakaisa para sa AKAP sa ating mga kababayang mangingisda,” pahayag ni Aguinaldo.
Mga kaugnay na balita