State of Calamity idineklara sa Cavite City dahil sa sunog

Sumailalim sa State of Calamity ang Cavite City bunsod ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa lungsod.

Idineklara ng pamahalaang lokal ng Cavite ang State of Calamity sa lungsod bunsod ng pinsalang idinulot ng sunog na tumupok sa ilang kabahayan sa Badjao, Dalahican noong Hulyo 14.

Matatandaang umabot sa higit 900 na pamilya ang naapektuhan ng nasabing sunod, ayon kay Mayor Denver Chua.

Inanunsyo rin ng lokal na pamahalaan na tumatanggap sila ng mga donasyon tulad ng mga canned goods, tubig, bigas, gamot, hygien kits, beddings, at iba pa para sa mga naapektuhan ng sunog.

“Bagamat halos walang natira sa mga kabahayan sa lugar na ito ay naniniwala ako na sa ating pag tutulungan ay muli silang makakabangon,” pahayag ni Chua.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

41% ng mga Pilipino, Pabor sa Impeachment ni VP Sara Duterte

Patuloy na lumalakas ang kontrobersya na bumabalot kay Vice President Sara Duterte matapos ipakita ng pinakahuling SWS survey na 41% ng mga Pilipino ang pumapabor sa kanyang impeachment. Pangunahing dahilan ng suporta sa impeachment ang umano’y kuwestiyonableng paggamit ng confidential at intelligence funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), ayon sa 46% ng mga respondent.