Browsing Category
News
970 posts
PWD binugbog ng dalawang kabataan sa Imus City
Isang PWD ang pinagtulungang bugbugin ng dalawang kabataan sa Brgy. Malagasang 1G noong Marso 28 dahil sa umano'y pagnanakaw ng bracelet. Nakuhanan ng CCTV ang insidente. Naaresto ang isang suspek habang ang kasama nitong menor de edad ay nasa pangangalaga na ng DSWD. Mariing itinanggi ng ina ng biktima ang akusasyon.
April 2, 2025
Mga pulis bigong arestuhin ang isang wanted person sa Cavite dahil matagal na umanong patay
Nabigo ang mga pulis sa Indang, Cavite na maaresto ang isang wanted person dahil sa kasong droga. Sa pagtungo nila sa lugar, natuklasan nilang matagal na itong pumanaw, na pinatunayan ng death certificate mula sa mga kaanak.
April 1, 2025
Team Puso at Malasakit, naglunsad ng Grand Proclamation Rally sa Aguinaldo Shrine
Matagumpay na idinaos ang proclamation rally ng Team Puso at Malasakit sa Kawit, Cavite. Nangako sina Mayoral Candidate Armie Aguinaldo at Vice Mayoral Candidate Angelo Aguinaldo ng tuloy-tuloy na serbisyo at tapat na pamumuno. Nagbigay-saya sa pagtitipon ang mga artistang sina Andrew E at Parokya ni Edgar.
March 29, 2025
Team Unlad , dinagsa ng suporta sa motorcade sa Cavite City
Mainit na sinalubong ng mga residente ang motorcade ng #TeamUnladCaviteCity, pinangunahan ni Mayor Denver Chua. Nagpasalamat ang alkalde sa suporta at nangakong magpapatuloy sa tapat na serbisyo. Nag-house-to-house visit din ang grupo, at umaasa ang mga mamamayan sa mas maraming proyekto para sa pag-unlad ng Cavite City.
March 29, 2025
Eala, pasok sa semis matapos ang upset win kontra Swiatek
Gumawa ng kasaysayan ang 19-anyos na si Alex Eala matapos nitong talunin ang World No. 2 na si Iga Swiatek at umabot sa semifinals ng isang prestihiyosong WTA tournament. Ang panalong ito ay bahagi ng kanyang kahanga-hangang kampanya kung saan pinatumba rin niya ang iba pang mga bigating manlalaro. Susunod niyang haharapin si Jessica Pegula para sa pagkakataong makapasok sa finals.
March 28, 2025
Cavite Day Expo, binuksan sa Maple Grove General Trias
Masayang ginanap ang Cavite Day Expo sa Maple Grove, General Trias, tampok ang produktong Caviteño, masasarap na pagkain, at pagtatanghal ng kultura.
March 27, 2025
UP nakagawa ng gamot sa Gout mula sa Pansit-pansitan
Nakapag-develop ang mga mananaliksik mula sa University of the Philippines Manila ng isang gamot laban sa gout gamit ang pansit-pansitan (Peperomia pellucida), isang halamang likas na tumutubo sa maraming bahagi ng Pilipinas, kabilang ang Cavite.
March 25, 2025
Dengue Cases sa Cavite, lumobo ng 409%
Patuloy na tumataas ang kaso ng dengue sa probinsya ng Cavite, na umabot na sa 3,379 mula Enero 1 hanggang Pebrero 22, ayon sa Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.
March 2, 2025
3 big-time pushers arestado sa Dasmariñas
Tatlong big-time na tulak ng droga ang naaresto sa magkahiwalay na operasyon sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado, Pebrero 22, kung saan nakumpiska ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu.
February 26, 2025
Bayan ng Ternate kinilala bilang high-performing peace and order council sa CALABARZON
Pinarangalan ang Bayan ng Ternate bilang isa sa 117 High-Performing Local Peace and Order Councils sa buong Rehiyon IV-A CALABARZON batay sa CY 2023 Peace and Order Council Performance Audit.
February 21, 2025